-- Advertisements --

LA UNION – Inaalam na ng fire investigator ang kabuuang halaga ng danyos sa nasunog na bahay ng isang mangingisda sa Barangay Samara, Aringay, La Union.

Base sa report, halos 80 porsiyento ang nasunog sa kabuuan ng bahay na pag-aari ng isang Conrado Cariño, 66-anyos.

Nangyari ang insidente bandang alas 9:20 ng umaga at idineklarang fire out sa oras na alas 9:55.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay FO3 Gener Dulay ng Bureau of Fire Protection-Aringay, sinabi nito base sa inisyal na report, ang paglalaro ng lighter ng 3-anyos na bata ang naging sanhi ng sunog.

Sinabi rin ni Dulay na mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.

Kabilang sa mga nilamon ng apoy ang mga appliances, damit, mga kagamitan sa kusina at iba pa.

Gayunman, wala namang naitalang nasugatan sa insidente.