-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pagawaan umano ng Improvised Explosive Devices (IED) ang bahay na nasabugan ng bomba sa probinsya ng Cotabato.

Ito mismo ang kinumpirma ni Major Arvin Encinas ang tagapagsalita ng Western Mindanao Command.

Ang bombang sumabog sa Sitio Butelin Brgy Kabasalan Pikit North Cotabato ay gawa mismo ni Alimuden Masla na myembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Matatandaan na nasawi si Misba Ali ng sumabog ang bomba sa loob ng bahay nila at sugatan si Alimuden Ali na mister nya at apo nito na si Edwin Masla.

Pinabulaanan din ng militar na galing sa helicopter o kanyon ang sumabog na bomba sa bahay ng pamilyang Masla.

Ang IED na sumabog sa bahay ni Ali ay nakatakda sanang pasasabugin sa matataong lugar sa Maguindanao o kaya sa North Cotabato ngunit aksidente itong sumambulat.

Todo tanggi naman ang pamilya ni Ali na itoy myembro ng BIFF at isa lamang ordinaryong magsasaka.

Sa ngayon ay patuloy na binabantayan ng militar at pulisya si Alimuden Ali sa pagamutan na bomb expert umano ng BIFF.