CAUAYAN CITY- Natupok nang apoy isang bahay sa Sto.Nino subdivision Cabaruan, Cauayan City.
Ang natupok na bahay ay yari sa kalahating konkreto at kalahating kawayan na may lawak na 40 square meters na pag-aari ni Gng. Flory Batac.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Batac sinabi niya na nag-aani sila sa barangay. Buyon ng maganap ang sunog.
Aniya kakarating lamang ng kanyang asawa galing ng trabaho ng tumawag sa kanila ang kanilang kapitbahay at sinabing nasusunog na ang kanilang bahay sa Sto. Nino Subdivision.
Ayon kay Gng Batac umuuwi lamang sila sa nasunog nilang bahay tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes dahil sa pumapasok sila sa paaralan.
Bago umano sila umuwi sa barangay Buyon, Cauayan City ay siniguro nilang naalis ang lahat ng mga appliances na nakasaksak.
Pinabulaanan naman ni Gng. Butac ang ulat ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection Cauayan City na nagmula sa sunog na plantsa ang sunog dahil siniguro umano ng kanyang pamangkin na naalis sa saksakan ang kanilang plantsa saka ito itinago ng maayos.
Nawagan siya ng tulong sa mga opisyal dahil walang nailigtas na gamit sa loob ng kanilang bahay.
Nangako naman ang pamunuan ng Barangay Cabaruan, Cauayan City na magbibigay sila ng paunang tulong tulad ng mga pagkain sa pamilya ng biktima.