Pumanaw na ang founding member at bassist ng iconic rock band na Grateful dead na si Phil Lesh sa edad n 84.
Kinumpirma ito ng kaniyang kampo subalit hindi nagbigay pa ng ibang mga detalye.
Kasama sa banda sa loob ng tatlong dekada ang bokalista nila na si Jerry Garcia.
Unang pangalan ng banda ay ang The Warlock hanggang sumali huli itong sumali sa banda at pinalitan ang pangalan sa kanilang sikat na moniker na “The Grateful Dead”.
Kasama nila sa banda sina Bob Weir, Ron “Pigpen” McKernan, at Bill Kreutzmann.
Taong 1995 ng naghiwalay ang banda ay ipinag-patuloy ni Phil ang paggawa ng kanta kung saan itinaguyod niya ang sariling Phil Lesh and Friends .
Kinilala siya bilang number 11 na pinakamagaling na bahista sa larangan ng rock music.
Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Touch of Grey”, ” We Can Run” , “Fire on the Mountain” at maraming iba pa.