-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Bahrain bilang emergency use ang coronavirus vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.

Dahil dito ay sila na ang pangalawang bansa na nag-apruba ng emergency use ng nasabing bakuna.

Sinabi Mariam al-Jalahma, CEO ng National Health Regulatory Authority, ang nasabing hakbang ay isang mahalagang COVID-19 response ng kanilang bansa.

Hindi naman nito binanggit kung kelan magsisimula ang pamamahagi ng bakuna sa mga US pharmaceutical companies.

Magugunitang noong Miyerkules ay inaprubahan ng United Kingdom ang naturang vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.

Noong Nobyembre rin ay inaprubahan ng Bahrain ang paggamit ng Sinopharm vaccine ng China para sa kanilang mga frontline healthcare workers.

Aabot sa 87,000 na kaso ang naitala sa Bahrain na mayroong 341 na ang nasawi.