-- Advertisements --

Muling binuksan ng Bahrain ang pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa lalo na ang mga Filipino.

Ayon kay Philippine Ambassador to Bahrain Alfonso Ver, na in-demand pa rin ang mga Filipino sa bansa dahil sa hindi matawarang serbisyo nila.

Ilan sa mga binuksan ng Bahrain ay mga trabahol sa hotel, hospitality services at maraming iba pa.

Binuksan kasi ng Bahrain ang malaking bahagi ng bansa nila mula ng makontrol na nila ang nasabing virus.

Mayroon kasing 3,000 na active cases ang naitala sa nasabing bansa kung saan 362 dito ay mga Filipino at 11 na ang nasawing mga Filipino matapos dapuan ng coronavirus.