Nilinaw ng Bureau of Animal Industry (BAI) na wala pang official report ukol sa bird flu sa probinsya ng Tarlac.
Ginawa ng ahensiya ang paglilinaw kasunod ng naunang lumabas na report na hinigpitan na ang pag-biyahe ng poultry products mula sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya.
Ayon kay Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, hinihintay pa ng ahensiya ang confirmatory reports ukol sa bird flu infection sa naturang probinsya.
Dahil dito ay hinimok ng kalihim ang publiko na huwag agad paniwalaan ang naunang lumabas na report dahil tiyak na makakasira ito sa poultry industry sa bansa, lalo na at isa ang probinsya ng Tarlac na may mataas na produksyon ng poultry products.
Ang BAI ay ang responsableng ahensiya para ma-detect at ma-kumpirma ang mga positibong kaso ng bird flu gamit ang sinusunod nitong standard testing protocol.
Ayon pa sa ahensiya, oras na may ma-detect na kaso ng bird flu, agad itong tutugunan at ipapaalam sa publiko.