Pinag-iingat ng Bureau of Animal Industry ang mga nabebenta ng karne ng baboy sa mga palengke, kasabay ng patuloy pa ring paglala ng kaso ng African Swine Fever (ASF).
Ipinaalala ng BAI – National ASF Prevention and Control Program sa mga tindera na dapat ay mga karneng mayroong Meat Inspection Certificate(MIC) o Certificate of Meat Inspection(COMI) lamang ang ibebenta sa mga konsyumer.
Ayon sa BAI, sa ganitong paraan ay matitiyak na malinis ang karneng maibebenta at dumaan sa iba’t-ibang serye ng pagsusuri mula sa mga government authorities.
Ang mga karneng walang certificate ayon sa ahensiya, ay matatawag na ‘hot meat’ na hindi dumaan sa akmang pagsusuri.
Ang mga magbebenta sa mga ito ay maaaring pagbayarin ng multang P500,000 salig sa batas.
Paalala ng BAI kapwa sa mga konsyumer at tindera, magtulungan para mapigilan ang pagkalat ng ASF sa buong bansa.