Ibinasura ng Pasig court ang inihaing bail petition ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa para sa kasong qualified human trafficking ngayong araw ng Biyernes, Disyembre 20.
Kinumpirma ito ni Prosecutor General Richard Fadullon.
Ayon sa Pasig court, hindi pinayagan ang hirit ni Guo at ng iba pang akusado na makapaglagak ng piyansa sa naturang kaso dahil matibay ang ebidensiyang iprinisenta ng prosekusyon laban sa mga ito sa isinagawang bail hearing.
Nag-ugat ang kaso laban kay Guo at iba pa sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac noong Hunyo kung saan mahigit 800 Pilipino at dayuhan na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking ang nasagip ng mga awtoridad.
Sa kasalukuyan, nananatiling nakadetine si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory.
Sa ngayon, wala pang komento ang kampo ni Guo kaugnay sa naging desisyon ng korte.