Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines ang mas mahigpit pang pagbabantay ng mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa palibot ng Bajo de Masinloc, kasunod ng naunang pagpapatupad ng China sa ‘No Tresspasing rule’ sa mga inaangkin nitong bahagi ng WPS.
Batay sa naging ulat ng AFP, mula June 11 hanggang June 17,2024 ay naglagay na ang PLAN ng tatlong malalaking barkong pandigma sa palibot ng Bajo de Masinloc, habang noong June 04 hanggang June 10 ay walang naka-istasyon dito na PLAN ship.
Bantay-sarado rin ng China Coast Guard(CCG) ang naturang lugar, kung saan mayroong anim na barko nito ang nakapalibot mula sa dating apat na barko noong June04-June 10.
Gayonopaman, bumaba naman ang bilang ng mga Chinese Maritime Militia(CMM) vessel na naroon mula sa dating 29 at naging 11 na lamang nitong June 11 – 17.
Sa kabila ng dumaraming barko ng PLAN sa Bajp de Masinloc, iniulat naman ng AFP ang pagbaba ng bilang mga PLAN vessel na nasa Ayungin Shoal.
Mula sa dating walong barko noong June 04 – 10, umabot na lamang ito sa dalawang barko nitong June 11 – 17.
Sa kabuuan, batay sa monitoring ng AFP, bumaba ang bilang ng mga barko ng China na nasa mga bahura, isla, at karagatang sinasaklaw ng Pilipinas.
Noong June 4-10 ay namonitor ang kabuuang 146 na barko ng China sa mga ito habang noong June 11- 17 ay mayroon na lamang 121 na barko. Angmga ito ay mga barko ng PLAN, CCG, at CMM.
Kabilang sa mga teritoryo na regular na nakikitaan ng mga barko ay ang Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-Asa Islands, Parola Islands, Kota Islands, Likas Islands, Lawak Islands, Panata Shoal, Patag Islands, Sabina Shoal, at Julian Felipe Reef.