Aabutin pa umano ng lima hanggang 10 taon bago magretiro ang dating boxing champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire.
Ayon kay Donaire, sa edad niyang 38-anyos ngayon, malakas pa siya at ambisyon niya na maagaw ang WBC crown ni Nordine Oubaali sa kanilang paghaharap sa susunod na Linggo sa Carson, California.
Ang 34-anyos na si Oubaali ay nagmula sa bansang France at may dugo ring Moroccan.
Mula pa noong taong 2019 ay hawak na nito ang korona.
Ito ay wala pang talo at merong 17 panalo.
Sinabi naman ni Donaire, sakali umanong manalo siya, posibleng magkaroon siya ng rematch sa isa sa best boxer ngayon sa mundo ang Japanese champion na si Naoya Inoue o kaya naman mag-return match din sila ng dating kampeon na si Guillermo Rigondeaux.
Sa kanyang career meron ng 40 panalo si Donaire at anim ang talo.