-- Advertisements --
image 209

Nagmimistulang gatasan na raw ang mga bakanteng plantilla positions sa gobyerno para sa year-end bonuses at incentives na ipinamamahagi sa regular na empleyado ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni Bohol 3rd District Rep. Alexie Besas Tutor, House committee on civil service and professionalization chair.

Aniya ang mga bakanteng posisyon na ito ay pinopondohan kada taon sa taunang pambansang pondo kayat kapag ang mga posisyon na ito ay nananatiling bakante makakasama ito sa national at local budgets.

Kinalampag ng mambabatas ang Civil Service Commission (CSC) na suyurin ang maraming ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na nananatiling bakante.

Paliwanag pa ng mambabatas na ang ilang bakanteng posisyon ay nirereserba umano para sa mga kawani na malapit ng magretiro dahil sa pamamagitan aniya ng pagpapanatiling bakante sa mga posisyon , ang mga ahensiya at LGUs ay malayang gamitin ang ilang pondo para sa hiring ng consultants.

Malaking papel aniya nito sa tunay na problema ng ating bansa at hadlang para mawaksan ang endo sa gobyerno.