Na-contain na ang Philippine Coast Guard ang oil sheen o rainbow-like thin layer ng langis na lumulutang sa katubigan dulot ng tumagas na langis mula sa lumubog na MT Terranova sa may Limay, Bataan.
Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gavan, na-contain na ito sa ikalimang araw mula ng lumubog ang motor tanker na naglalaman ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon, nakadepende sa pagpapasya ng BFAR at DOH kung ligtas ng ipagpatuloy ang pangingisda sa lugar kung saan una ng pinairal ang no catch zones dahil sa epekto ng oil spill.
Samantala, nagpapatuloy anman ang isinasagawang salvage operations sa isa pang lumubog na Jason Bradley na nagdulot ng oil spill habang idineploy naman na ang oil spill booms sa may MV Mirola 1 na nagdulot din ng oil spill sa bahagi ng karagatan ng Mariveles, Bataan.