-- Advertisements --

Nakadiskubre ang mga otoridad sa South Korea ng mga bahagi ng katawan ng ibon mula sa bumagsak na eroplano.

Ayon sa inilabas na anim na pahinang imbestigasyon na mayroong bakas ng migratory bird na Baikal Teals ang dalawang makina ng Boeing 737-800 jet.

Nakita ng mga otoridad ang balahibo at mga bakas ng dugo sa nasabing makina.

Hindi naman binanggit sa ulat kung ang nasabing mga bakas ng mga ibon ang siyang pinakasanhi ng pagbagsak ng Jeju Airlines.

Pinagtatakahan nila na biglang namatay ang flight data recorders na huling apat na minuto ng flight at hindi bumukas ang landing gear ng eroplano.

Magugunitang nasawi ang 179 sa kabuuang 181 na pasahero at crew ng eroplano.

Galing sa Thailand ang eroplano at patungo sa Muan sa South Korea noong Disyembre 29 ng ito ay sumabog habang papalapag na.