-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki na dumalo sa isang yearend party matapos malunod sa swimming pool sa Baywan Spring Resort, Brgy. Camancijan, Culasi, Antique.

Ang biktima ay si Gerard Estolloso, 26, residente ng Maynila.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jomer Carl Raba, ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Antique, sinabi nito na nanggaling sa Maynila ang biktima kasama ang kanyang mga barkada.

Ayon kay Raba, nagkayayaan ang mga ito na maligo sa swimming pool.

Nag-inuman pa ang biktima kasama ng kanyang mga kaibigan.

Matapos nito, naligo ang biktima na lasing hanggang sa nakita na lang siya na palutang-lutang sa swimming pool.

Inakala pa ng mga kaibigan nito na nagpapanggap lamang siya na nalulunod.

Kalaunan, hindi na ito gumagalaw hanggang sa makumpirma na nalunod na ito.

Dinala naman ang mga biktima sa Culasi District Hospital ngunit dineklara ng doktor na ded on arrival.