KALIBO, Aklan – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkalunod ng dayuhang bakasyunista habang nasa snorkeling activity sa Boracay.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Malay Police Station, nag-snorkeling umano ang 63-anyos na Filipino-Chinese na minabuting itago ang pangalan, sa Crocodile Island sa Sitio Tambisaan, Barangay Manoc-Manoc.
Dito ay napansin na lamang ito ng iba pang naliligo sa dagat na palutang-lutang at hindi na gumagalaw.
Kaugnay nito, kaagad iniahon ang banyaga sa tubig at dinala ng rumespondeng kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office-Malay sa isang pribadong ospital sa naturang isla ngunit idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.
Nabatid na hindi lamang ito ang unang beses na may nalunod at namatay na turista sa tanyag na isla sa gitna ng snorkeling activity.