CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa mahigit 250 pamilya ang lumikas sa kalat-kalat na sagupaan ng magkalabang grupo sa hangganan ng dalawang probinsya.
Lumikas ang mga residente mula sa tatlong Sitio ng Brgy Ned Lake Sebu South Cotabato sa pangambang maipit sa bakbakan ng magkaaway na pamilya sa Barangay Molon Palimbang Sultan Kudarat.
Temporaryong nanunuluyan ang mga bakwit sa mga ligtas na lugar sa bayan ng Lake Sebu.
Kinumpirma rin South Cotabato OIC PDRRMO Fridaliza Gazo na nabigyan na ng tulong ang mga bakwit,kagaya ng bigas,hygience kits at delata na pagkain.
Nababahala si Gazo sa kalagayan ng mga sibilyan dahil nagkalat umano ang mga landmine sa lugar kung saan nagkabakbakan ang grupo nina Mike Binago alyas Bondie,Tat Tuan at Salik Adam alyas Alex.
Nasawi rin ang isang estudyante na nasabugan ng landmine na nakilalang si Richard Tulik Tungkay,19 anyos na naipit sa engkwentro.
May mga tao nang inatasan ang lokal na pamahalaan para kausapin ang naglalaban na mga armadong pamilya at naka-posisyon na rin ang pwersa ng 27th Infantry Battalion Philippine Army sa lugar.