-- Advertisements --

Bakbakan ng dalawang armadong grupo sumiklab sa Pikit Cotabato

CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan nang sumiklab ang engkwentro ng mga armadong grupo nitong gabi ng Miyerkules sa probinsya ng Cotabato.

Sa inisyal na ulat ng mga otoridad na nagkasagupa umano ang dalawang armadong grupo sa Barangay Calawag Pikit Cotabato.

Dahil sa tindi ng putukan ay may ilang mga sibilyan ang naipit sa gulo.

Marami ang lumikas na mga pamilya patungo sa mga ligtas na lugar.

Naglunsad rin ng clearing operation ang tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army.

Sa ngayon ay hindi pa matiyak kung may nasawi o nasugatan sa gulo maliban sa mga kumakalat na post sa social media na may nadamay na mga sibilyan ngunit di pa makomperma ng mga otoridad.