COTABATO – Patuloy pa na nadaragdagan ang mga pamilyang nagsilikas sa Pikit, North Cotabato dahil sa nagpapatuloy na bakbakan ng dalawang grupo sa nasabing lugar.
Nagsimula ang kaguluhan noong August 25, 2021 nang unang nagkasagupa ang dalawang grupo kung saan una ng lumikas ang mahigit 256 pamilya dahil sa takot na madamay sa tensyon.
Sa ngayon ay nadagdagan pa ang mga nagsilikas ng 80 pamilya, kung saan abot na sa 336 na pamilya ang apektado ng gulo na kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation centers.
Namahagi naman ng tulong ang Department of Social Welfare and Development at Pamahalaang Panlalawigan ng North Cotabato sa pamilyang apektado ng kaguluhan sa bayan ng Pikit.
Samantala, tiniyak naman ng Mayor ng bayan na mabibigya ng solusyun at masugpo na ang problema sa pagitan ng dalawang grupo sa lalong madaling panahon.