COTABATO CITY — Muli na namang nabalot ng tensyon ang Barangay Rebuken sa Sultan Kudarat da Maguindanao Norte matapos bulabugin ito ng putok ng mga matataas na kalibre ng baril bago magtanghali kanina.
Sa panayam kay Sultan Kudarat Police Chief Lt. Ismael Madin, grupo nina Kumander Utadz Kaharudin ng MILF at ang grupo ng isang commander Solefad na pawang na taga Rebuken ang sangkot sa bakbakan.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naunang nagpaputok ang grupo ni Kaharudin sa grupo ng mga Soledad.
Dahil dito, ilang oras na naparalisa ang trapiko at di madaanan ang national highway dahil sa trapiko ng mga sasakyan at walang nadamay o napaulat na namatay sa nangyaring insidente.
Kung maaalala, ang grupo din ni Kaharidin ang nagpaulan ng bala sa compound ni Barangay Rebuken Captain Wilma Otto at nitong biyernes, grupo naman ng 104th Base Command ang nagpaputok sa compound ng nasabing kapitan na malapit sa barangay hall.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operations ng pulisya at army sa mga sangkot sa krimeng naganap.