-- Advertisements --

Dumanas ng 1-pt loss ang Miami Heat sa kamay ng 11-16 na Detroit Pistons.

Inabot pa sa overtime ang laban ng dalawa at kung saan 44 seconds bago matapos ang laro ay hawak pa ng Heat ang 1-point lead, 124 – 123.

Pagpasok ng 38 secs, naipasok ni Cade Cunningham ang isang jump shot at nahawakan na ng Detroit ang isang puntos na kalamangan.

Sinubukan naman ni Miami Heat Shooter Tyler Herro ang isang pullup 3-pt shot ngunit hindi ito pumasok.

Napunta ang rebound sa Detroit ngunit tuluyang naagaw ni Herro ang bola habang nasa transition.

Dahil dito, hawak ng Miami ang tyansa na maungusan ang Detroit sa nalalabing sampung segundo ng laro. Dito ay sinubukan ni Miami star Jimmy Butler na ipasok ang isang lay-up ngunit nagawa itong i-block ni Cunningham.

Napunta pa rin kay Butler ang bola matapos ang naturang laro. Tinangka rin ng Miami na magpasok ng 3-pointer sa nalalabing isang segundo ngunit hindi rin ito pumasok.

Gumawa ng panibagong triple-double performance ang bagitong su Cunningham sa score na 20 points, 18 assists, at 11 rebounds sa loob ng 42 mins na paglalaro. 16 rebounds din ang inagaw ng bigman ng koponan na si Jalen Duren habang 28 points ang ibinulsa ng batikang guard na si Malik Beasley.

Samantala, sa loob ng 44 mins na paglalaro ay gumawa si Butler ng 35 points, 19 rebounds, at sampung assist. 23 points naman ang nagawa ni Herro sa loob ng 41 mins na paglalaro.

Nagawa ng Miami na paabutin ang laban sa pamamagitan ng comeback performance sa 4th quarter matapos ang 16-point deficit na dinanas sa pagtatapos ng 3rd quarter.