Umabot sa overtime(OT) ang naging banggaan sa pagitan ng Phoenix Suns at Los Angeles Lakers.
Nagmistulang regular season ang bakbakan sa pagitan ng dalawang koponan matapos ibabad sa court ang mga star player ng mga ito kahit na regular season pa lamang.
Sa simula pa lamang ng laro ay nagpalitan na ng magagandang shots ang dalawang koponan.
Isang minuto bago matapos ang regulation, hawak pa ng Phoenix ang 6-point lead.
Gayonpaman, nagpakawala ng magkasunod na 3-pointer si Lakers rookie Dalton Knecht, daan upang mahabol ang lead ng Suns at maitabla ang score sa 113. Sa loob ng isang minuto sa crunch time, walang naging ganti ang Suns.
Pagpasok ng overtime, nagpakita ang Lakers ng mahigpit na depensa habang muling pinangunahan ni Knecht ang opensa. Muli itong nagpasok ng tatlong magkakasunod na tres sa buong overtime, kasama ang isang and-1 layup, 50 mins bago matapos ang OT.
Sa limang minutong OT, nagawa ng Lakers na magpasok ng 15 points habang 9 points lamang ang naging kasagutan ng Suns. Nagtapos ang laban, 128 – 122 pabor sa Los Angeles.
Kapwa kumamada ng tig 35 points sina Lakers center Anthony Davis at Knecht habang 18 points naman ang ipinasok ni Austin Reaves.
Sa Suns, 22 points ang ipinasok ni Devon Booker habang 19 points, 8 rebounds, at 8 assists ang naging kontribusyon ni Kevin Durant.