Nauwi sa overtime ang bakbakan sa pagitan ng Los Angeles Lakers at New York Knicks.
Nahabol kasi ng Lakers ang 8-point lead ng Knicks sa 4th quarter at nagawang itabla ang score sa pagtatapos ng 4th quarter, all-99.
Nagtulungan sina Lebron James at Luka Doncic para habulin ang kalamangan ng Knicks at dalhin ang laro sa OT, sa kabila ng all-around defense ni Knicks center Karl Anthony Towns.
Pagpasok ng OT, agad umarangkada ang opensa ng Lakers sa pangunguna muli ni Lebron. Dito na naungusan ng batikang Los Angeles ang New York at gumawa ng 14 – 10 run sa loob ng limang minutong overtime.
Tinapos ng Lakers ang laban, 113 – 109.
Sa panalo ng Lakers, kapwa gumawa ng double-double performance sina Luka at Lebron: 32 points, 12 assists kay Luka, habang 31 points, 12 rebounds, at walong assists kay James.
Tatlong player ng Knicks ang gumawa ng double-double sa pangunguna ni Jalen Brunson na kumamada ng 37 points at sampung assists.
Kapwa hawak ng dalawang team ang tig-40 win ngayong season.
Nasa ikalwang pwesto na sa Western Conference ang LAL habang hawak ng Knicks ang ikatlong sead sa East.