-- Advertisements --

MANILA – Naging panadero agad ang mga bilanggo ng Manila City Jail dahil sa programang nagtuturo sa kanila na gumawa at magbenta ng mga tinapay.

Sa ilalim ng Bread and Pastry Livelihood Program, tinutulungan ang mga “persons deprived of liberty” na gumawa ng mga tinapay at ibenta sa labas ng kulungan.

Kabilang sa mga nagsisilbing panadero ang mga inmate ng Bureau of Jail Management and Penology – Manila City Hall – Male Dormitory.

“They have been selling their products to a number of areas apart from within Manila City Jail including Quezon City, among others,” ani Science Sec. Fortunato de la Pena.

Isa ang Department of Science and Technology- National Capital Region sa mga sumusuporta sa program.

Ito ay sa pamamagitan ng supplementary training, pag-upgrade ng mga gamit, at iba pang technical interventions.