-- Advertisements --

Minaliit ng kampo ni Vice Pres. Leni Robredo ang panibagong banat ng Malacanang laban sa mga hakbang ng bise presidente kasunod ng pagpapaliban nito sa release ng kanyang war on drugs report kahapon.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Office of the Vice President, malinaw na pamumulitika lang ang interes ni Presidential spokesperson Salvador Panelo nang sabihin nito na nagpapapansin lang si Robredo.

“He can continue to play politics if he wants while, true to her word, the VP will focus on relief efforts for our fellow Filipinos who need them most,” ani Gutierrez.

Imbis daw kasi na tanggapin ang pakikiisa ng bise presidente sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao, ay pilit pa rin nitong binabanatan ang hindi paglalabas ni Robredo sa findings at rekomendasyon nito sa drug war.

“That Sec Panelo still insists in talking politics amid the unfolding tragedy in Davao del Sur and surrounding provinces proves, once and for all, that he will always prioritize politicking over the welfare of our people.”

Iginiit ng kampo ni VP Leni na prayoridad ngayon na mabigyan ng tulong ang mga biktima ng magnitude-6.9 earthquake kumpara sa issue ng drug report na maaari naman daw ilabas kapag nasa maayos na sitwasyon na ang mga kababayang biktima.

“We reminded him yesterday that this was a time to unite and focus on helping those affected by the earthquake, but he is clearly intent on continuing to sow division even in the face of a national tragedy, as his tone-deaf statements demonstrate.”

Sinabi ni Panelo na gusto lang makuha ni Robredo ang atensyon ng publiko sa pagpapakita ng 40-pahinang report kahapon.

Ipinunto rin nito na magkaibang issue ang pagbibigay tulong sa mga biktima ng lindol, mula sa paglalahad ng Ulat sa Bayan.

“Her decision to call a press briefing to announce that there is no press briefing, while flashing her 40-page report, reveals that she only wants the spotlight,” ani Panelo.