-- Advertisements --
Long Island City New York 1
Skyline of Long Island City, Queens (photo courtesy King of Hearts / Wikimedia Commons)

Palaisipan ngayon at marami pa rin ang nagugulat kung bakit nababansagan ang New York bilang bagong epicenter ng coronavirus sa Amerika.

Umabot na kasi sa mahigit 74,000 ang mga kaso na nagpositibo o 10 beses na mas marami kumpara sa iba pang mga estado.

Ayon sa mga health experts, kaya matinding tinamaan ang New York dahil sa napakaraming tao o kaya labis ang popolasyon.

Aminado rin naman si New York Gov. Andrew Cuomo na dikit-dikit ang mga tao sa kanilang siyudad.

Batay sa census sa 27,000 people per square mile ito ay doble pa sa density ang estado kumpara sa Chicago, maging sa Philadelphia at tatlong beses sa Los Angeles.

Sa walong milyong tao sa New York City, ito ang itinuturing na largest city sa Amerika.

Kaya naman ayon sa ilang opisyal ang tinatawag na social distancing ay hindi magpapatigil sa pagkalat ng deadly virus.

Ang tinaguriang Big Apple bilang isang world-renowned tourist destination ay buhos din ang mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo na nagpabagal lalo sa epektibong pag-contain sa deadly virus.

NY Gov Cuomo
Governor of New York Andrew Cuomo

Sa ngayon mahigit na sa 23,000 ang mga kaso sa siyudad pa lamang.

Habang umakyat na rin sa 365 ang mga nasawi.

Iniulat din ni Gov. Cuomo na nito lamang nakalipas na araw umabot sa 100 katao ang nasawi sa kanilang lugar.