-- Advertisements --
Patuloy ang pag-iikot ng “Bakuna Buses” ng Philippine Red Cross (PRC) sa iba’t ibang bahagi ng bansa para dumami pa ang maturukan ng COVID-19 vaccines.
Pinakahuling tinungo nito ay ang Calabarzon at Western Visayas.
Ayon kay PRC chairman at chief executive officer Senator Richard Gordon, ang nasabing layon nila ay para mailapit ang pagbabakuna sa mga tao.
Tuloy-tuloy din aniya ang kanilang paghihikayat sa mga mamamyan na magpabakuna dahil ito ay libre.
Nauna ng ipinahiram ng mga bus companies gaya ng Victory Liner, Ube Express at Ceres ang kanilang mga buses sa PRC para makatulong sa vaccination program.