Posibleng mailalabas na ang bakuna kontra African Swine Fever (ASF) sa lalong madaling panahon.
Ito ay kasabay ng pagtutulungan ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Agriculture (DA) para matukoy kung gaano ka-epektibo ang bakuna na gagamitin para labanan ang ASF na matagal na panahon nang umaatake sa mga babuyan sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, posibleng sa susunod na dalawang linggo ay aaprubahan na ng FBA ang commercial trial ng bakuna kontra ASF.
Pagkatapos ng commercial trial, gad din itong susundan aniya ng commercial distribution.
Ayon sa kalihim, naging epektibo ang naturang bakuna sa Vietnam at umaasa ang DA na magiging epektibo rin ito sa pagpuksa ng ASF sa bansa.
Muli ring inulit ng kalihim ang panawagang bantayan ang mga pumapasok na imported goods sa Pilipinas upang mapigilan ang paglawak pa ng kaso ng ASF at iba pang sakit sa mga hayop