-- Advertisements --
Target irolyo ang bakuna kontra African Swine Fever (ASF) para sa government use muna sa buwan ng Setyembre ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ito ay matapos na magbigay ng go signal sa DA ang Food and Drug Administration (FDA) noong nakalipas na linggo para bumili ng mga bakuna mula sa Vietnam.
Kaugnay nito, umaasa ang kalihim na sa sunod na 2 buwan ay masimulan na ng mga backyard grower ang pagbabakuna sa mga baboy.
Sinabi din ng DA chief na kailangang i-monitor ng DA ang epekto at efficacy nito sa loob ng 6 na buwan bago magpatuloy sa massive use ng ASF vaccine.
Sakaling pumasa ay maaari na aniya itong gamitin para sa commercial use.