Inaasahnag mailalabas na ang bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) na dinivelop ng local research company sa bansa sa katapusan ng 2023 o 2024.
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara na ang paglikha ng bakuna para sa viral disease na tumatama sa mga baboy at wild boars ay inaabot ng dalawang taon.
Kung kayat ang unang idedevelop ng veterinary research and diagnostic laboratory na BioAssets Corporation ay ang ASF test kits na posibleng mailabas sa katapusan ng kasalukuyang taon o sa unang bahagi ng taong 2023.
Paliwanag ni Guevara na sa kasalukuyang panuntunan ng Department of Agriculture, agad na isinasagawa ang culling operation sa mga baboy isang kilometro mula sa lugar kung saan nadetect ang isang ASF case. Subalit kapag mayroong detection kit, hindi na kailangan pang patayin ang lahat ng baboy dahil madedetect kung alin ang infected ng ASF.
Bukod dito, magtaatatag din ng mobile laboratory unitn na makakatulong sa mga veterenarians at magsasaka na magkaroon ng diagnostics para agad na makarespinde sa disease outbreak.