CEBU – Kinumpirma ni Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) Asst. Secretary Jonjie Gonzalez na darating ngayong araw sa Cebu ang mga bakuna laban sa COVID-19.
Inihayag ni Gonzalez sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo na aabot sa 7,076 vaccines ang nakatakdang dadalhin sa Cebu kung saan napa-aga ang pagdating ng mga ito sa nakatakda sanang petsa na Marso 3.
Napag-alaman na ito ay kabilang sa 600,000 doses ng mga bakuna ng Sinovac Biotech na donation ng Chinese Government sa Pilipinas na inaasahang unang ibibigay sa mga medical frontliners.
Samantalang inaasahan din ang pagdating ng karagdagang batch ng bakuna sa Marso 4 at 8 kun saan aabot sa 14,123 doses ang darating sa Cebu na ipamimigay sa mga medical workers sa iba’t ibang public at private hospitals.
Una nang binigyang diin ng gobyerno ng Pilipinas na mabigyanng bakuna ang nasa 70% ng populasyon ng bansa upang magkaroon ng herd immunity.