-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng University of Oxford na ang kanilang coronavirus vaccine ay may mataas na effectivity rate sa pagtigil sa sintomas ng COVID-19.

Lumabas kasi sa malawakang trial na mayroong 70 percent ang protection subalit lumalabas sa bilang na maaaring umakyat pa ito ng 90 % kapag dinoble ang dose.

Isa rin nakitang magandang resulta ay mas mura ito ay hindi sensitibo sa anumang klima.

Nauna ng nag-order ng 100 million doses ang United Kingdom government ng bakuna mula sa Oxford.

Nangako rin ang AstraZeneca na gagawa sila ng tatlong bilyong doses ng bakuna sa susunod na taon.