Nanguna ang mga COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer at AstraZeneca sa vaccine ranking na inilabas ng Department of Science and Technology’s (DOST).
Ayon sa vaccine panel ng DOST, nasa ikatlong puwesto ang Novavax ng India, habang ang Sinovac naman ng China ay nasa ikaapat na puwesto.
Sinabi ni Dr. Jaime Montoya, executive director of the Philippine Council for Health Research and Development, ibinatay ang ranking sa safety, potential efficacy, stability at sa track record ng kompanya.
Sa nabanggit na mga kompanya, tanging ang Pfizer lamang ang kasama sa emergency list ng World Health Organization.
Ito lamang din ang may emrgency use authorization sa malaking bilang ng mga bansa.
Una nang sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na batay sa iterim data ng Phase 3 trials, nasa 95 percent ang efficacy rate ng Pfizer vaccine.