-- Advertisements --
Posible hanggang 2021 pa makakagawa ng bakuna na panlaban sa coronavirus.
Ayon kay Robin Shattock, ang namumuno ng musocal infection and immunity sa Imperial College London, na may mga grupo na sila na nagtutulungan para sa paggawa ng bakuna.
Mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang mga scientist ang nagbibigay ng kanilang kakayahan para makagawa ng bakuna.
Sinabi rin nito na walang ebidensiya na ang paggamit ng protective mask ay nagbibigay ng proteksiyon laban sa infection dahil napakaliit lamang ang tsansa nito.
Makakabawas lamang ang pagkalat ng impeksyon nito dahil naiiwasan ang paghawak ng tao sa kaniyang mukha.