-- Advertisements --
CENTRAL Mindanao – Inaasahang makakamit ang target na 150 na kabataan sa Kabacan, Cotabato para sa edad 5-anyos hanggang 11-anyos para sa pagbubukas ng vaccination sa kanila ngayong darating na February 14, 2022.
Ayon kay MHO Dr. Sofronio Edu, Jr. binubuo ng mga anak ng kawani ng lokal na pamahalaan ng Kabacan, Brgy. Poblacion at Brgy. Osias ang makikibahagi sa pagbubukas ng nasabing vaccination program.
Kaugnay nito, hinikayat ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang mga magulang na gustong ipabakuna ang kanilang anak na magtungo sa mga Brgy. Health Stations ng kanilang barangay upang makapagpatala.