CENTRAL MINDANAO- Pinangunahan ni Kabacan Cotabato Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang pagbabakuna sa mga empleyado ng Rural Health Unit ng Kabacan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga empleyado.
Ayon kay Edu, malaki ang maitutulong nito lalo pa at mga empleyado ng RHU ang nagsasagawa ng contact tracing at swabbing sa mga suspected at positive.
Pananggala ng bawat empleyado ngunit hinimok parin nito ang mga kasamahan na sumunod parin sa health protocol habang hindi pa ito ibinababa ng National IATF.
Samantala, sa isinagawang annual assembly ng Kilagasan-Poblacion-Magatos Irrigatos Association, lubos ang naging pasasalamat nito sa sa lokal na pamahalaan ng Kabacan.
Personal na iniabot ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman ang kaloob ng LGU-Kabacan sa pangunguna ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. Ang tulong-pinansyal na abot sa P200,000.
Ayon kay ABC Gelyn Guzman, ang ibinabahagi ng LGU ay para makapagdagdag ng tulong sa bawat IA ng bayan.
Siniguro din ni ABC Gelyn Guzman na kanyang paghuhusayan ang kanyanv trabaho upang makatulong sa bawat magsasaka.
Hindi naman maihalintulad ang saya at pasasalamat ni KPM IA Pres. Jaime F. Manuel na aniya, malaki ang maitutulong ng perang ito upang mas maging maayos ang kanilang serbisyo.