Tinitignan ngayon ng National Vaccination Operation Center (NVOC) ang pagbibigay ng fourth dose ng COVID-19 vaccines o pangalawang booster shots para sa ilang piling indibidwal sa darating na Abril.
Ayon kay NVOC Chairperson and Health Undersecretary Myrna Cabotaje, planong simulan ang nasabing bakunahan ng ikaapat ng dose ng nasabing bakuna sa huling linggo ng Abril para sa mga frontliners, senior citizens, immunocompromised.
Nag-apply na aniya anag DOH para sa ammendment ng emergency use authorization para sa mga piling bakuna na maaaring ibigay bilang fourth dose o second booster.
Kinakailangan na raw kasing palakasin pa ang proteksyon ng mga ito sa pamamagitan ng mga karagdagang bakuna dahil humihina na ang immunity ng mga ito lalo na ang mga nagkakaedad na.
Sa ngayon ay tinatapos pa ang mga guidelines para dito.
Samantala, hinikayat din ang mga naturang indibdiwal na kabilang sa mga nasabing target groups na magpakonsulta muna sa kanilang mga doctor bago tumanggap ng fourth dose vaccine.
Magugunita na una na itong inerekomenda ng mga eksperto bilang karagdagang proteksyon ng bawat isa lalo na para sa mga kababayan natin na senior citizens at immunocompromised lalo na ngayong may napapabalitang panibagong variant ng nasabing virus na pinangangambahan naman na makapasok rin sa ating bansa.