KORONADAL CITY- Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang suspek sa nangyaring pananaksak sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Ito ang kasunod umano ng nangyaring agawan sa ibinibigay na tarapal sa Brgy Indangan, sa nasabing bayan.
Ayon kay Barangay Indangan Chairman Napeleon Inggo, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang biktima na kinilala lamang kay alyas Mike at ang suspek na si Eric Matanggo dahil hindi umano nakakuha ng tarapal ang suspek.
Dahil dito, sinaksak ni Matanggo ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito.
Sa ngayon, sinisiguro naman ng mga lokal na pamahalaan ng Makilala na hindi na mauulit pa ang nangyaring insidente.
Napag-alaman na halos lahat ng bahay sa nasabing barangay ang hindi na mapapakinabangan dahil sa nangyaring lindol dahilan upang trapal na lang ang ginagamit na tirahan ng mga biktima.