-- Advertisements --

Kinumpirma ni NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar na tumugma sa baril ng pulis na si Cpl. Rocky delos Reyes ang balang tumama sa anim na taong gulang na si Gian Habal sa Caloocan City.

Ito ay batay sa resulta ng ballistic examination na inilabas ng PNP Crime Laboratory.

Nakatakdang isumite na ng NCRPO ang mga dokumento sa Prosecutor’s Office bilang karagdagang ebidensiya para lalo madiin sa kaso ang sangkot na pulis.

Kasong murder at attempted murder ang kinakaharap na kaso ngayon ni Delos Reyes.

Bukod sa kasong criminal, nahaharap din ito sa kasong administratibo na iniimbestigahan ngayon ng PNP Internal Affairs Service.

Una nang ikinatwitan ni Delos Reyes na may hinahabol siyang suspek at nang magpaputok siya ng baril ay tinamaan ang bata at lola nito na nasugatan sa insidente.