-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang pagsabog ng bala ng M79 grenade launcher sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Zuriana Abad, sumabog ang pinaputok na 40mm high explosive 79 grenade launchers sa Sitio Kibanog, Brgy Malagap, Banisilan, North Cotabato na ‘di kalayuan sa kanilang tahanan.

Wala namang nasugatan sa pagsabog na tumama sa isang bakanteng lote ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente.

Marami ang naniniwala na posibleng may kinalaman ang pagsabog sa alitan ng mga armadong pamilya.

Sa ngayon ay pinag-utos na ni Banisilan Mayor Jesus Alisasis sa pulisya ang malalimang imbestigasyon sa pagsabog.