-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 120 armas ang I-prinesenta ng 1002nd Brigade sa publiko kasama ang ilang surenderees mula sa pangkat ng New Peoples Army (NPA) bilang bahagi ng End Local Communism and Arm Conflict (ELCAC) Program ng pamahalaan.

Pinangunahan ni 1002nd Brigade Commander Col. Potenciano Camba ang pagpresenta ng mga armas sa publiko lalo na sa mga kagawad ng Media at pahayag ng mga sumukong NPA.

Kabilang sa naging sentro ng usapin ang pagkaroon ng aabot sa 80 porsyentong recruitment mula sa hanay ng tribu.

Ipinaliwanag ni Datu Ramon Bayaan, ang dating Secretary General ng Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato (ASLPC) isa sa mga deklaradong surenderee, ang kahinaan ng tribu dulot ng kahirapan, kakulangan ng edukasyon at ang maling impormasyon na ipinaabot sa komyunidad.

Mabilis na ang ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan at nakikita na nila na dapat matulungan ang tribu upang mailayo sa mga maling pangako at recruitment ng NPA.

Kabilang sa kadihalanan nang kanilang pagsuko sa pamahalaan ay ang desisyon na makapamuhay ng normal at makapiling ang kanilang pamilya. “Hindi po totoo na berdugo ang mga sundalo, dapat malaman ito ng mga NPA, ayon kay Makoy, isa mga nagsalitang surenderee.

Sa mga aktibidad ng ELCAC, mariing sinabi ni Cotabato Governor Nancy Catamco na ang kanyang pamunuan ay seryoso sa pagtulong sa pamumuhay ng tribu. Nagkaisa na rin ang mga ahensya ng pamahalaan upang maipamahagi at maihatid sa komyunidad ang programa at serbisyo na nararapat nilang maramdaman.

Pinuri ni Camba ang aktibong pamunuan ni Governor Catamco sa pagsulong ELCAC o kinilala rin na Nagkakaisang Adhikain para sa mga Cotabateños -Local Serbisyo Caravan,nasa aktibidad rin si Magpet Mayor Florenito Gonzaga at Congressman Rudy Caoagdan.