Malaki ang papel na gagampanan ng Balabac Military Runway sa Palawan para sa pambansang seguridad lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng kaniyang pagbisita sa Palawan ngayong araw at namahagi ng tulong sa mga residente ng Palawan at Marinduque.
Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na halos 90 percent na ang completion ng nasabing runway na malaking bagay para matiyak ang seguridad ng bansa.
Ang Balabac Military Runway ay isa sa tinukoy na siyam na EDCA sites na matatagpuan sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa ngayon kasi kailangang palakasin pa ng Pilipinas ang presensiya nito sa pinag-aagawang teritoryo lalo at nagiging mas agresibo ang China.
Mahigpit din ang foreign policy ng Marcos jr administration na maging kaibigan sa lahat at hindi magiging kalaban sa lahat.
” Nasa huling bahagi na [rin ng paggawa] natin [sa] Balabac Military Runway, lalo na’t malaki ang papel na gagampanan ng Palawan sa pambansang seguridad,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.