TACLOBAN CITY – Pinaghahandaan na ngayon ng buong Balangiga, Eastern Samar ang nakatakdang pagsasagawa sa simultaneous landmark lighting para sa 500 days countdown sa Mactan Victory.
Ito ay maliban lamang sa ginagawang paghahanda ng nasabing bayan para sa nakatakdang unang anibersaryo ng pagbabalik ng Balangiga Bells sa bansa.
Ayon kay Fe Campanero, kasama ang Balangiga Bells sa 21 mga historic sites sa bansa na maglulunsad sa 500 days countdown para ika-500 taon ng Mactan Victory sa taong 2021.
Isasagawa ang nasabing nationwide landmark lighting sa December 14 kung saan magkakaroon ng programa at aktibidad sa harap mismo ng makasaysayang mga kampanya.
Matapos ito ay magkakaroon naman nga 5 seconds countdown bago mag-alas-6:00 ng gabi at papailawan ang Balangiga Bells.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “World of Our Ancestors” kung saan ito lalahukan ng mga local government units at 21 mga historic sites sa bansa at gayundin ng mga foreign service posts.
Ginagawa ang paggunita bawat taon lalo na ang ‘di malilimutang pagkapanalo ni Datu Lapu-Lapu laban sa Portuguese conqueror Ferdinand Magellan sa Battle of Mactan.