Magkakaroon ng paggalaw sa ilang mga puwesto sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y kasunod ng pagretiro sa serbisyo ng ilang heneral gaya ni Lt. Gen. Raul Del Rosario ng Western Command na nag-retiro noong Lunes.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Col. Edgard Arevalo, ang pumalit sa puwesto ni Del Rosario ay si M/Gen. Kintanar ng Philippine Air Force.
Ngayong araw, magreretiro na rin sa serbisyo si Southern Luzon Command (SOLCOM) Lt. Gen. Quidilla kung saan papalitan siya ni M/Gen. Benjamin Madrigal ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1985 na mistah ni 2nd Infantry Division Commander M/Gen. Rhoderick Parayno.
Bago mag-assume bilang SOLCOM chief si Madrigal, siya ang commander ng 4th Infantry Division.
Sa darating na September 4, 2017, nakatakda namang magretiro sa serbisyo si Northern Luzon Command na si Lt. Gen. Romeo Tanalgo na miyembro ng PMA Class 1983.
Bagama’t may pinangalanan ng heneral na papalit sa puwesto ni Tanalgo, hindi muna inanunsiyo ng AFP dahil baka magbago pa ito.
Paliwanag ni Arevalo na ang nasabing movement sa higher leadership ng AFP ay bunsod sa compulsary retirement ng mga opisyal.
Samantala, wala naman aniyang napipintong paggalaw sa mga unified commands.