-- Advertisements --

Nagpatupad muli ng panibagong balasahan si Philippine National Police Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa ilang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.

Sa Special Order ng Unit Reassignment ng PNP na pirmado ni PNP Directorate for Personnel and Records Management, PMGen. Sidney Hernia ay epektibo mula ngayong araw, Mayo 6, 2024, ay manunungkulan na bilang bagong pinuno ng PNP Drug Enforcement Group si PBGen. Eleazar Mata bilang kapalit ni PBGen. Dionisio Bartolome na itinalaga naman bilang bagong pinuno ng Personnel Holding and Accounting Unit.

Inilipat din ng Unit bilang pinuno ng Civil Security Group si PMGen. Edgar Allan Okubo mula sa Directorate for Police Community Relations.

Si PBGen. Romaldo Bayting naman ay itinalaga bilang bagong Area Police Commander sa Western Mindanao habang si PBGen. Jonathan Cabal naman ang papalit sa kaniyang nabakanteng posisyon sa PNP Maritime Group.

Kung maaalala, ang panibagong rigodon na ito ay ang ikatlo nang sunod na serye ng balasahan sa matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGen. Marbil.