Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na magpapatupad ito ng balasahan kasunod ng insidenteng pamamaslang na kinasasangkutan ng mg local officials kung saan si Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang huling biktima.
Sa pagtungo nito ngayong araw sa probinsiya, ibinunyag ni Abalos na magpapatupad ito ng reshuffle sa local PNP.
Ayon kay Abalos, hindi aniya maaaring magkumpyansa ang mga kapulisan kaya kailangang ipakita sa taumbayan na seryoso ang PNP sa pagsugpo sa kriminalidad lalo na sa paglutas sa kaso ng pag-atake sa mga elected officials.
Sinabi ni Abalos na kanila pang paiigtingin ang police visibility sa buong bansa upang maibsan ang pangamba ng local officials at komunidad laban sa kriminalidad.
Sa kabilang dako, pinapurihan ni Abalos ang mga pulis at sundalo sa maagap na pagkaka-aresto ng ilang suspek na nasa likod ng pamamaril kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na ikinamatay ng gobernador at walo pang katao.
Sinabi ng Kalihim na patunay lamang ito na seryoso ang ating law enforcement agencies mga nangyayaring krimen upang matiyak na hindi na maulit pa ang pag-atake sa elected officials.
Si Degamo na ang ikaapat na opisyal ng lokal na pamahalaan na biktima ng pamamaril ngayong 2023.
Magugunita na tinambangan si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. na naka ligtas sa insidente, namatay naman si Aparri Vice Mayor Rommel Alameda, habang nakaligtas si Datu Montawal Maguindanao del Sur mayor Ohto Caumbo Montawal.
Kapwa tiniyak ng PNP at AFP na lahat ng paraan ay kanilang gagawin para mahuli ang mastermind at iba pang mga suspeks.