-- Advertisements --

Itinanggi ni Commission on Election (COMELEC) spokesperson James Jimenez na nagkakaroon ng ‘reshuffling’ sa kanilang opisina.

Sinabi nito na isang independent Constitutional commission ang COMELEC at ang mga commissioners ay maaaring matanggal sa pamamagitan ng impeachment.

Nilnaw din nito na ang kumakalat sa social media ay luma na noon pang 2019.

Magugunitang bumaba sa puwesto noon si dating Comelec chairman Andres Bautista at pinalitan siya ngayon ni Sheriff Abas.