-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Alec Baldwin ang pagkakaroon niya ng kontrata sa pelikulang “Rust” kaya hindi ito maaring kasuhan.

Kasunod ito sa naganap na aksidenteng pamamaril sa set ng pelikula na ikinasawi ng cinemagtographer ng pelikula.

Kasama kasi ang actor sa mga nakasuhan sa ilang civil case na isinampa ng asawa ni Halyna Hutchins ng aksidenteng pumutok ang baril na hawak ng actor sa pelikula.

Bukod kasi sa pagiging bida ay producer rin sa nasabing pelikula ang actor.

Sa arbitration demand na inihain ng kapwa nito producers ay nanawagan si Baldwin na dapat ipatupad aniya ang malawak na “indemnation clause” na nasa kontrata nito.

Sinabi pa ng abogado ng actor na sa nasabing kontrata ay pinoprotektahan ito sa mula sa financial claims sa nasabing pelikula.