-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Baler, Aurora nitong gabi ng Marso 26.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na tectonic in origin ang lindol at ang sentro nito ay sa southeast ng baya ng Baler.

Dakong 8:56 ng gabi ng tumama ang lindol na ito ay may lalim na 11 kilometro.

Naramdaman ang intensity 4 sa bayan ng Baler at Maria Aurora.

Habang intensity 3 naman ang naramdaman sa bayan ng Dinagala at San Luis sa Aurora; Intensity 2 naman sa Bulakan, Bulacan at Intensity 1 naman sa bayan ng Madella sa Quirino; bayan ng Namicuan at Gabaldon sa Nueva Ecija; Abucay sa Bataan; lungsod ng Marikina at lungsod ng Caloocan.