-- Advertisements --

LAOAG CITY – Parehong kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Vintar, Ilocos Norte na “fake news” ang kumakalat na balita na may bulkan sa nasabing bayan.

Ayon kay Engr. Jeff Robles ng Philvolcs, fake news ang kumakalat na balita tungkol sa aktibong bulkan sa nasabing bayan.

Ito ay dahil sa Mount Masadsada ng Brgy. Ester, Vintar ang itinuturong aktibong bulkan.

Sinabi ni Robles na 24 pa lamang ang kumpirkadong aktibong bulkan at ang pinakamalapit sa Ilocos Norte ay ang Babuyan Claro Volcano.

Pinatunayan naman ni Mr. Almond LeaƱo ng MDRRMO na isa lamang itong bundok na maraming puno at posibleng nakita ito sa wikipedia website na sinasabing aktibong bulkan ito.

Dagdag niya na ang hazardous lamang na naitatala sa bayan nila ay pagbaha, landslide, lindol at bagyo ngunit walang volcanic hazard.